Ang Karunungan ay ang abilidad sa paggamit ng kaalaman at karanasan para makapag isip ng tamang aksyon at pagpapasiya sa buhay. Kaalaman na nahuhubog sa mahabang panahon ng edukasyon at karanasan. Edukasyon na magiging daan sana para maging tagapagligtas ng mga nasadlak sa sakuna at upang hindi mapagsamantalahan ng mapang-abusong lipunan. Ngunit, hindi lahat ay nagkakaroon ng oportunidad upang makakuha ng tamang edukasyon. Marahil sa kahirapan sa buhay, pangangailangan, o iba pa. Sapagkat kadalasan, Ang edukasyon ay hindi nagiging pribilehiyo ng lahat.
Madalas nating nababasa sa mga nakalathala o sa social media ang mga aksidente na minsan nagtatapos sa pagkawala ng buhay. Malimit din ang mga balita na nahahatulan ng mahabang panahong pagkakabilango dahil kulang sila sa kakayahang magbasa at magsulat. May mga pagkakataon din na napapanood sa mga dokumentaryo ang mga batang kulang sa nutrisyon at bakit nanatili itong mataas sa makabagong panahon. Mapapaisip ka na lang ano nga ba ang kulang.
Isa sa mga layunin ng Rotary International ay ang mapataas ang literasiya ng bawat komunidad. Sa ating pakikipagkapwa upang mapataas ang kaalaman ay magkakaroon ng pagkakataon na mabawasan ang mga naghaharing problema na kinakaharap ng ating lipunan. Maaaring ang karunungan na ating pinagsikapan ay ating maibahagi sa mga wala o makahanap tayo ng mga may dunong para magbahagi ng kanilang kaalaman. Dahil sa bawat aksyon na ating ginagawa, kung masusing pinag-aralan at pagsasagawa, ay maaaring makapagbigay ng pagbabago at pag-asa para sa pag-unlad.
Ang aking hiling, sana sa hinaharap, ang pagbasa at pagsulat ay kaaalaman na ng lahat at hindi iilan, na ang edukasyon ay magiging daan para makatulong sa kapwa, na ang karunungan ay magiging puhunan na mag-aangat sa ating sarili at sa ating lipunan.
PROJECT BUKAS
As a guest speaker for the project bukas, I was invited to share what I know about Proper Nutrition. I led the talks to do a group assessment of what they know about nutrition and healthy foods in the go, grow, glow category. Following that, we identified the most often consumed meals for breakfast, lunch, snacks, and dinner and questioned each other if they are having a balanced diet. We concluded the discussions with a budget challenge based on the participants’ responses in which we determined the median amount of money allocated for meals daily, what meals can be cooked within that budget, and how they can cycle meals every week to receive adequate nutrition.